^

Metro

Dalaga pumalag sa rape ginilitan

-
Dahil sa matinding takot hindi nagawang saklolohan ng kanyang mga kapitbahay ang isang 24-anyos na dalaga na ginilitan ng isang lalaking pinaniniwalaang nagtangkang humalay dito, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nasawi dahil sa dalawang hiwa sa leeg at mga saksak sa buong katawan ang biktimang nakilalang si Maristel Gulani, tubong Placer Masbate at naninirahan sa #726 Padre Herrera St., Tondo Maynila.

Wala namang makuhang testigo ngayon ang pulisya upang maituro o kaya naman ay mailarawan ang nakatakas na suspect.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang marinig na nagsisisigaw ang biktima at humihingi ng saklolo sa kanyang mga kapitbahay.

Sumigaw naman umano ang suspect na "Walang makikialam, away mag-asawa umano ito", at dahil nga sa matinding takot hindi nagawang saklolohan ng kanyang mga kapitbahay ang biktima.

Nang tumahimik na sa loob ng bahay at saka tinungo ng mga usisero ang bahay ng biktima at doon nga nakita ang nakahandusay na dalaga habang nakatakas na ang suspect.

Magulung-magulo naman sa loob ng bahay, palatandaang nanlaban ang biktima bago ito pinaslang.

Nakatakda ring isailalim ang bangkay ng biktima sa awtopsiya para alamin kung ginahasa ba ito bago pinatay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DAHIL

DANILO GARCIA

MAGULUNG

MARISTEL GULANI

MAYNILA

NAKATAKDA

NANG

PADRE HERRERA ST.

PLACER MASBATE

TONDO MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with