Kabilang sa lalahok sa itinakdang tigil-pasada ay ang PISTON, FEJODAP, ALTODAP at PCDO-ACTO.
Ayon kay Mar Garvida, national president ng PISTON na hindi na nila hihintayin pa ang sagot ng LTFRB hinggil sa hiling nilang P1.00 provisional increase sa pasahe sa jeep at sisimulan na nila ang aksyon sa kalsada.
Napagkasunduan ng ibat ibang transport groups na magsagawa ng malawakang welga upang iparinig sa pamahalaan ang matinding pagkondena nila sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Hihilingin din nila ang pagbuwag sa oil deregulation law na siyang umanong ugat ng lahat ng kahirapan ng maraming maliliit na mamamayan sa kasalukuyan. (Ulat ni Angie dela Cruz)