Ito ay matapos kumpirmahin kahapon ng Department of Justice (DOJ) na nawawala na ang mga dokumento kaugnay sa kasong pagpaslang sa nabanggit na aktres.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzales, ang mga nasabing dokumento ay kinain umano ng mga anay kung kayat hindi ito matagpuan.
Sa kasamaang palad maging ang file copy sa computer hard disk ay nasira rin at wala namang naitabing kopya ang mga miyembro ng dating panel ng piskal na humawak noon sa unang preliminary investigation ng DOJ sa Blanca murder case.
Inamin din ng Kalihim na bagaman nakakahiya ay wala naman silang magagawa kundi solusyunan ang naturang problema at isa dito ay ang posibilidad na humingi na lamang sila ng kopya nito sa United States Court.
Dahil dito ay posibleng matagalan pa ang paghahain ng DOJ ng panibagong extradition case laban kay Strunk.
Ipinaliwanag pa ni Gonzales na hanggat hindi pa nila nahahawakan muli ang mga nabanggit na dokumento ay hindi muna makakagalaw ang DOJ sa extradition case laban sa itinuturing na pangunahing suspect sa pagpaslang kay Nida. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)