^

Metro

Ebidensiya vs Strunk nawawala

-
Mas lalong babagal ang pagsusulong ng extradition case laban kay Rod Strunk ang asawa ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca.

Ito ay matapos kumpirmahin kahapon ng Department of Justice (DOJ) na nawawala na ang mga dokumento kaugnay sa kasong pagpaslang sa nabanggit na aktres.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzales, ang mga nasabing dokumento ay kinain umano ng mga anay kung kaya’t hindi ito matagpuan.

Sa kasamaang palad maging ang file copy sa computer hard disk ay nasira rin at wala namang naitabing kopya ang mga miyembro ng dating panel ng piskal na humawak noon sa unang preliminary investigation ng DOJ sa Blanca murder case.

Inamin din ng Kalihim na bagaman nakakahiya ay wala naman silang magagawa kundi solusyunan ang naturang problema at isa dito ay ang posibilidad na humingi na lamang sila ng kopya nito sa United States Court.

Dahil dito ay posibleng matagalan pa ang paghahain ng DOJ ng panibagong extradition case laban kay Strunk.

Ipinaliwanag pa ni Gonzales na hangga’t hindi pa nila nahahawakan muli ang mga nabanggit na dokumento ay hindi muna makakagalaw ang DOJ sa extradition case laban sa itinuturing na pangunahing suspect sa pagpaslang kay Nida. (Ulat ni Grace Amargo dela Cruz)

AYON

CRUZ

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

GONZALES

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

NIDA BLANCA

ROD STRUNK

UNITED STATES COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with