^

Metro

Suicide note ng Urban Bank prexy inilabas

-
Walang foul play sa naganap na pagkamatay ni dating Urban Bank President Teodoro Borlongan na nagbaril sa sarili sa loob ng sementeryo, kamakalawa ng tanghali sa Marikina City.

Ayon kay Marikina Police chief Senior Supt. Felipe Rojas Jr., pagbagsak ng kanyang negosyo at frustration sa buhay ang dahilan ng isinagawa nitong pagpapakamatay, base na rin sa nakuha sa kanyang suicide note.

"The world is so unfair, sa kabila ng marami akong nagawang kabutihan sa mundo ay nag-fail pa rin ang negosyo ko, mahal na mahal ko kayong lahat," ayon sa suicide note na iniwan ni Borlongan para sa kanyang asawa at mga anak.

Nabatid na dakong alas-10:45 ng umaga kamakalawa nang dumating si Borlongan sa Loyola Memorial Park sa Marikina. Bumili muna ito ng mga bulaklak bago dumiretso sa puntod ng kanyang ina, nanalangin ng may 30 minuto bago tinawagan sa cellphone ang asawa para sabihing mahal na mahal niya ito.

Dakong alas-12:15 ng tanghali nang marinig ng mga security guard sa sementeryo ang malakas na putok ng baril at doon natuklasan ang ginawang pagbabaril ni Borlongan sa sarili sa loob ng kanyang Nissan Pathfinder na sasakyan. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

BORLONGAN

BUMILI

EDWIN BALASA

FELIPE ROJAS JR.

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

NISSAN PATHFINDER

SENIOR SUPT

URBAN BANK PRESIDENT TEODORO BORLONGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with