Kolektor ng bookies patay sa kabaro
April 12, 2005 | 12:00am
Patay ang isang kolektor ng ilegal na bookies matapos na pagsasaksakin ng kapwa niya kolektor, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Nasawi habang ginagamot sa loob ng Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa tinamong dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Macario Felizardo, 49, ng Interior 5 Morong St., Tondo, Maynila.
Ginagamot din naman sa nasabing pagamutan dahil sa pagkabasag ng nguso nang mahampas ng bakal sa mukha ng nasawi ang suspect na si Ranillo Trinidad, 38, ng nasabi ring lugar.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw malapit sa bahay ng biktimang si Felizardo na dito kainuman niya ang suspect na kapwa niya kolektor sa ilegal na bookies.
Ilang sandali pa ay nagtalo ang dalawa matapos na pagbintangan ni Felizardo si Trinidad na kumuha ng kanyang pera na koleksyon niya ng pataya sa bookies.
Dito na nagkaroon ng mainitang komprontasyon ang dalawa.
Ayon sa depensa ni Trinidad, ipinagtanggol lamang niya ang sarili matapos na paluin siya ng isang bakal sa nguso ni Felizardo.
Nakakuha naman siya ng patalim at agad na inundayan ng saksak si Felizardo bago pa umano siya ang mapatay nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest