Base sa ulat ng Valenzuela Fire Department, dakong alas-2:20 ng madaling-araw nang magsimulang magliyab ang Sinkon Plastic Products na pag-aari ng isang Dennis Co na matatagpuan sa Hulo St., Brgy. Bignay ng nasabing lungsod.
Sa naging pahayag ng ilang residente, nag-umpisa ang apoy sa may bubungan ng plastic factory matapos na makarinig ng mga pagsabog at pag-spark ng kuryente sa isang poste sa tabi ng nasabing pagawaan.
Dahil sa mga plastic materials na nakaimbak sa nasabing pabrika kayat mabilis na kumalat ang apoy kung saan gumamit pa ang mga bumbero ng espesyal na likido upang ito ay ganap na maapula dakong alas-8:22 ng umaga.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga arson investigator kung totoong short circuit ang pinagmulan ng sunog.
Wala namang napaulat na nasaktan at namatay sa naganap na sunog. (Ulat ni Rose Tamayo)