Patay na nang idating sa ComCare Clinic ang biktimang si Arsenio Verdan, 31, may-asawa ng Matikas Security Agency at residente ng Poblacion, Sec. I, 183, General Trias, Cavite. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa katawan buhat sa kalibre .38 baril.
Tumakas naman kaagad ang suspect na si Adriano Duca "alyas Ader" ng nabanggit na agency at nakatira sa Santos Compound, Better Living Subdivision, Brgy. Don Bosco, Parañaque City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi sa main gate ng Peru St., ng nabanggit na subdivision.
Kasalukuyang naka-duty ang biktima kasama ang isa pang guwardiya ng lumapit dito ang suspect at kinompronta ang biktima.
Nagalit ang suspect sa umanoy panggugulang sa duty ng biktima hanggang sa magtalo ang mga ito na nauwi sa pamamaril ng suspect sa biktima, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)