Lalaki utas sa kainuman
April 11, 2005 | 12:00am
Makaraan ang isang mainitang pagtatalo, isang 28 anyos na lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kainuman kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Eduardo Urbano, tubong Samar at naninirahan sa Lot. 11 Blk. 2, Carol St. Brgy. Holy Spirit ng nabanggit na lungsod.
Mabilis namang tumakas ang suspect na inilarawan lamang na nasa edad na 30 hanggang 35, may taas na 57, malaki ang pangangatawan at may kaitiman.
Batay sa imbestigasyon nina P02 Joseph Marzan at PO3 Jun Fortunato ng CPD-CIU, dakong alas-6 ng umaga nang maganap ang insidente sa Area 7 NAWASA Lane, Brgy. Holy Spirit.
Nauna rito, nabatid na nag-iinuman ang mga biktima at ilang kaibigan nito kamakalawa ng gabi hanggang sa umabot kahapon ng umaga.
Dala ng matinding kalasingan, nagkaroon ng kantiyawan ang biktima at suspect na humantong sa mainitang pagtatalo.
Kasunod nito, mabilis na dinampot ng suspect ang kutsilyo na nasa mesa at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended