Motorsiklo sumalpok sa poste, 1 patay

Patay ang isang 23-anyos na lalaki makaraang sumalpok sa poste ang sinasakyan nitong motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Juanito Ballesteros ng Lot 2, Blk. 3 Apitong St. Brgy. Marikina Heights bunsod ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Gen. Ordoñez sakay ng kanyang pulang Honda motorcyle.

Pagdating sa kanto ng Valenzuela St. at Gen. Ordoñez, tinangka ng biktima na mag-over take sa isang kotse hanggang sa magpa-ekis-ekis ito at mawalan ng kontrol at sumalpok sa poste ng Meralco. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments