^

Metro

PSN reporter,binugbog ng kagawad, 1 pa

-
Isang lady reporter ng pahayagang Pilipino Star Ngayon ang nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa isang barangay kagawad at sa manugang nito makaraang pagtulungan siyang bugbugin kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nauna rito, nagsampa na rin ng kaso sa Pasay City Police si Rose Tamayo laban kina Wilfredo Torres ng Brgy. 13 ng Pasay City at manugang nito na nakilala lamang sa pangalang Junie. Ang mga ito ay kapwa nakalalaya pa.

Ayon kay Tamayo, kagagaling lamang niya sa opisina sa PSN nang maganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa Sta. Escolastica St. nang iparada niya ang kanyang kotse. Bigla na lamang siyang sinita ng mga suspect na noo’y lasing.

Ikinatwiran naman ni Tamayo na nagpaalam siya kay Brgy. Capt. Eddie Cruz bukod pa sa nagbabayad siya sa parking boy na nakatalaga rito.

Bunga nito, agad na binugbog ng mga suspect si Tamayo kung saan sinabihan pa siya ng mga ito ng "walang repo-reporter".

Kaugnay nito, tumanggi naman si Cruz na ituro ang bahay ni Torres sa pagsasabing kumpare niya umano ito at magreklamo na lamang sa lupon ng barangay.

Dahil dito, hiningi na rin ni Tamayo ang tulong ni Pasay City Mayor Peewee Trinidad upang mapatawan ng kaukulang parusa si Torres bukod pa sa posibilidad na matanggal ito sa pagiging barangay kagawad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BRGY

EDDIE CRUZ

ESCOLASTICA ST.

LORDETH BONILLA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PASAY CITY

PASAY CITY MAYOR PEEWEE TRINIDAD

PASAY CITY POLICE

PILIPINO STAR NGAYON

ROSE TAMAYO

TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with