^

Metro

Pari, seminarista arestado sa rali

-
Nabigo ang iba’t ibang militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na makapasok sa loob ng compound ng Philippine International Convention Center (PICC) upang guluhin ang ginaganap na kumbensyon matapos na harangin ang mga ito ng mga anti-riot police ng Western Police District (WPD) na nagresulta ng pagkasugat ng pitong katao kabilang na ang isang pari at seminarista sa Malate, Manila.

Putok ang ulo dahil sa palo ng batuta ang natamo ni Bro. Benedicto Zaragosa, habang sugatan din sina Fr. Allan Jose Arcebuche, chairperson ng Church People’s Response at Asst. Priest ng Sta. Ana church: Edgar Edwin, Bro. Jay de Guzman at Bro. Samuel Salazar.

Hawak na ngayon ng WPD matapos na arestuhin sina Fr. Arcebuche at seminaristang si Zaragoza dahil sa pangunguna umano sa panggugulo sa naturang kilos-protesta.

Bukod sa kanila, nasugatan din sa batuhan ang mga cameraman na sina Emil Mercado at Ronald Escaler.

Nabatid na unang nagbuo ng puwersa ang may 500 militante sa tapat ng Malate church dakong alas-11 ng umaga. Tinangkang magmartsa ng mga ito patungo sa PICC upang dito magsagawa ng programa nang harangin sila ng daan-daang anti-riot police.

Dito na nagkaroon ng salpukan sa pagitan ng magkabilang grupo matapos na pangunahan ni Supt. Co Yee Co ng Criminal Investigation and Detection Unit, ang dispersal sa mga raliyista.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Dep. Director General Avelino Razon, na mahigpit lamang nilang ipinatutupad ang pagbibigay ng ibayong seguridad sa venue ng International Parliamentary Union convention bukod pa sa "no permit no rally policy" ng pulisya. Idinagdag din nito na ang mga raliyista ang unang nambato at nanduro sa mga pulis sanhi upang magdesisyon nang i-disperse ang mga ito at arestuhin ang dalawa nilang lider.

Matapos ang insidente, agad namang sumugod ang mga militante sa harap ng Western Police District headquarters upang igiit ang pagpapalaya kay Fr. Arcebuche at Salazar. Naglatag din ang mga ito ng 17 mga itim na kabaong na sumisimbolo umano sa mga kasamahan nilang mga militante na biktima ng pandurukot at pagpatay umano sa mga probinsiya na hiling nilang paaksyunan sa mga delegado ng IPU. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALLAN JOSE ARCEBUCHE

ARCEBUCHE

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BENEDICTO ZARAGOSA

CHURCH PEOPLE

CO YEE CO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANILO GARCIA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with