10 Chinese tiklo sa pekeng CD's
April 7, 2005 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 11 Chinese na sangkot umano sa pagbebenta at paggawa ng pekeng compact disc para sa computer game.
Kinilala ni BI Commissioner Alipio Fernandez ang mga nadakip na dayuhan na sina Jun Din Lin; Lee Tian Zhi; Chun Jin Sheng; Zuo Geng Lui; Li Yi Jin; Li Cong Hui; Lui Ji Xiang; Cai Qing Xuan; Li Suang Quan, Ho Wei Lin at Xi Ling.
Ang mga nasabing dayuhan ay nakaditene ngayon sa BI Detention Center sa Bicutan.
Ayon sa BI, nadakip ang mga dayuhan sa isinagawang raid sa isang warehouse sa Laguna International Industrial Park sa Biñan.
Nabatid na gumagawa umano ng mga pekeng CDs para sa Sony Playstation ang nasabing mga Intsik kung saan nakarehistro ang mga pasilidad nito sa Bright Future Technologies.
Nasamsam sa mga ito ang walong replicating machines at 2,000 pirated CDs. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended