TRO hiling vs batang Malonzo
April 7, 2005 | 12:00am
Isang Temporary Restraining Order (TRO) ang inihain ng Sangguniang Lungsod ng Caloocan upang pigilin ang pag-upo ng anak ni dating Mayor Reynaldo Malonzo na si Christopher "Peejay" Malonzo bilang kapalit ng namayapang konsehal na si Popoy Rosca sa unang distrito ng lungsod.
Sa nakalap na impormasyon, ang nasabing TRO ay kasalukuyang dinidinig sa Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 121 sa sala ni Judge Adoracion Angeles.
Pinangunahan ni District 1 Councilor Nora Nubla ang paghahain ng TRO laban sa batang Malonzo upang mahadlangan ito sa pag-upo sa konseho.
Sa naging pahayag ng mga kasamahang konsehal ni Nubla, ginawa nila ang pagharang sa appointment ng Malacañang sa neophyte councilor matapos umano silang hindi pansinin at bigyang paliwanag ng ama nito na si dating Mayor Malonzo na chairman ng local chapter ng Lakas-Christian Muslim Democrat.
Ayon naman sa kampo ni Kon. Christopher Malonzo, nanindigan ang mga ito na walang magagawa ang mga kumakalaban sa kanila dahil hindi maaaring hindi sundin ang kautusan mula kay Pangulong Arroyo na epektibo noong Abril 1, 2005 nang manumpa ang una kay Judge Isabela Paredes ng RTC Branch 124 matapos na bumaba ang appointment na pirmado ni Executive Secretary Eduardo Ermita.
Umaasa rin ang kampo ni Malonzo na hindi kikilingan ng korte ang inihaing TRO dahil naniniwala ang mga ito na dumaan sa legal na paraan ang pagtatalaga sa batang Malonzo bilang bagong konsehal sa lungsod. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended