^

Metro

Parak dedo sa presidente ng homeowners

-
Nasawi ang isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame, habang sugatan naman ang nakabarilan nitong presidente ng homeowners at dalawang iba pa, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on Arrival sa San Lazaro Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si PO3 John Eva, 38, ng Block 8, Mangga St., Natividad Sudbivision, Deparo Road ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa FEU Hospital sina Roberto Laus, 49, presidente ng Natividad Subdivision Homeowners Association; Gilbert Castihan at Narciso Rara na pawang kapitbahay ng napatay na pulis.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing subdibisyon.

Lasing umano si Laus at pinuntahan ang bahay ni PO3 Eva at pinagmumura ang pulis na naging dahilan upang lumabas ito ng bahay bitbit ang kanyang kalibre .45 baril.

Mabilis na nilapitan ng pulis si Laus at walang sabi-sabing pinalo ng baril sa ulo kaya’t agad ding bumunot ng baril ang huli at pinaputukan ang una ng ilang beses.

Bagamat sugatan, nagawang makaganti ng pulis ng pagpapaputok kung saan tinamaan si Laus, habang sina Rara at Castihan ay tinamaan din ng ligaw na bala makaraang tangkaing awatin ang dalawa.

Hindi pa rin malinaw sa pulisya kung ano ang dahilan nang pag-aaway ng dalawa. (Ulat nina Rose Tamayo)

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

DEPARO ROAD

GILBERT CASTIHAN

JOHN EVA

MANGGA ST.

NARCISO RARA

NATIVIDAD SUBDIVISION HOMEOWNERS ASSOCIATION

NATIVIDAD SUDBIVISION

ROBERTO LAUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with