Humoldap sa IPU delegate timbog
April 7, 2005 | 12:00am
Isa sa dalawang suspect na kapwa miyembro ng Sputnik Gang na nangholdap sa isang Belgian national na delegado sa International Parliamentary Union (IPU) ang nadakip matapos itong inguso ng kanyang kapitbahay sa mga awtoridad, kamakalawa ng gabi.
Samantala, kaugnay pa rin ng insidenteng ito, sinibak naman ang isang tauhan ng Pasay City Police na sinasabing nag-leak ng impormasyon sa media .
Nasa kustodya na ng Pasay City Police ang nadakip na suspect na si Victorio Mallari, 24, tricycle driver ng 2471 Decena St., ng nabanggit na lungsod.
Pinaghahanap naman ang isa pang suspect na nakilala lamang sa pangalang Jess, ng nabanggit ding lugar.
Dakong alas-11 ng gabi nang madakip ng mga kagawad ng pulisya ang suspect na si Mallari sa isang follow-up operation matapos itong inguso ng kanyang kapitbahay sa mga pulis na umanoy humoldap at sumaksak sa isang delegate ng IPU na si George Brion, 50.
Si Mallari ay positibong itinuro ng biktimang si Brion na isa sa mga humoldap sa kanya
Samantala, sinibak naman sa puwesto si PO2 Ronnie David, nakatalaga sa Anti-Illegal Drugs Unit matapos itong akusahan na siyang nag-leak sa media sa naganap na panghoholdap sa IPU delegate.
Itinanggi naman ni David na siya ang nagbigay ng impormasyon sa media.
Nabatid na tinangka ng PNP higher headquarter na itago ang naganap na panghoholdap kay Brion para mapagtakpan ang kahihiyan ng bansa sa international community. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am