3 pumuga sa Mandaluyong jail

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga kagawad ng pulisya ang tatlong preso na nakatakas sa PNP detention cell sa Mandaluyong City.

Ang mga pugante ay nakilalang sina Renato Borroa, Gerald Sanchez-Bonifacio at Arnel Macasaet, pawang may mga kaso ng illegal drugs at nakapiit sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong police headquarters.

Napag-alaman kahapon na natuklasan ang pagtakas ng mga suspect dakong alas-7 ng umaga noong Lunes matapos na magsagawa ng headcount ang mga pumalit na duty guard sa nasabing kulungan.

Nabatid na sinira ng mga suspect ang tablang kisame ng piitan at pagkatapos ay doon nagsagawa ng pagtakas.

Ayon kay Supt. Ericson Velasquez, sinabi nito na pinaiimbestigahan na niya ang naturang insidente at papatawan ng kaukulang parusa ang mga pulis na naka-duty ng maganap ang naturang pagtakas. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments