Vendor kinatay ng ex-lover
April 3, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang vendor na babae habang nasa malubhang kalagayan naman ang bagong kinakasama nito matapos na pagsasaksakin ng dating ka-live-in ng una, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Dr. Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan si Juliet Planario, 37, ng Phase 8-B, Block 7, Lot 35, Package 4, Brgy. 176 Bagong Silang , Caloocan City.
Inoobserbahan naman sa FEU Hospital ang kasalukuyang ka-live-in nito na si Isidro Dionisio, 48 na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Sosimo Iscalo, ng Arellano St., San Andres Bukid, Paco, Maynila na sinasabing dating ka-live-in ng nasawi.
Base sa isinagawang imbestigayon ni PO2 Joselito Bagting, may hawak ng kaso na dakong alas-7:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 8, Block 7, Lot 33, Package 4, Brgy. 176, Bagong Silang.
Ayon sa ulat, magkahawak kamay pang naglalakad ang mga biktima sa naturang lugar nang biglang lapitan ng suspect na armado ng patalim.
Agad na pinagsasaksak ang mga biktima at nang makitang humandusay na ang mga ito ay mabilis na tumakas ang suspect.
Napag-alaman na hiniwalayan ng nasawi ang suspect dahil sa pagiging lulong nito sa bisyo bukod pa sa kawalan ng trabaho. Dahil dito, nagbanta umano si Iscalo na walang ibang makikinabang kay Planario.
Nadamay naman sa paghihiganti ang bagong ka-relasyon ng nasawi na si Dionisio. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended