9 na buwang sanggol lunod sa balde ng tubig
April 3, 2005 | 12:00am
Isang 9-na buwang gulang na sanggol ang iniulat na nalunod sa isang balde ng tubig makaraang hindi mamalayan ng kanyang ina na gumapang ang sanggol patungo sa tubig, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.
Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jason Engracia. Nakatira sa bangketa ang pamilya nito sa may panulukan ng Adriatico at Salas Sts., Ermita.
Sa ulat ng pulisya dakong alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ng amang si Lotgardo ang anak na halos hindi na humihinga sa loob ng balde na puno ng tubig.
Batay sa salaysay ni Irene, 32, ina ng biktima nakatulugan niya ang anak at hindi napansin na gumapang ito patungo sa balde.
Binanggit ni Lotgardo na galing siya sa pamamasada ng pedicab at naisipang dumaan sa kanilang lugar sa bangketa nang makita ang nalunod na anak.
Napag-alaman na may 10 taon nang nakatira sa bangketa ang pamilya Engracia.
Ang mag-asawa ay may limang maliliit pang anak. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended