Dahil dito, umapela ang MMDA sa LTFRB na tigilan na umano ang pagbibigay ng pabor sa mga public utility owners na nagpupumilit mag-operate sa Metro Manila ng walang certificate of public conveyance.
Base sa impormasyon at mga nakalap na report, kinumpirma ni MMDA Gen. Manager Robert Nacianceno na ilang Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang mayroong special permits na pirmado ni LTFRB Chairman Ma. Elena Bautista at siyang ipinapakita sa tuwing manghuhuli ng colorum vehicles ang MMDA sa kalsada.
Sinabi ni Nacianceno na may sapat na bilang ng PUVs ang Metro Manila partikular sa mga pangunahing lansangan kaya hindi na kailangan aniya ang pag-iisyu ng special permits sa mga walang prangkisa.
Sa katunayan, idinagdag pa ni Nacianceno na sa sobrang dami ng passenger bus, jeepneys at shuttle sa Metropolis nagkakabuhol-buhol ang daloy ng trapiko.
Rumehistro sa talaan na may 3,000 passenger buses na nag-ooperate sa EDSA at kalahati dito ay kumpirmado ng MMDA na mga colorum buses. (Ulat ni Lorderth Bonilla)