^

Metro

Criminology student dedo sa 'Russian roulette'

-
Isang criminology student ang nasawi makaraang mapagtripang maglaro ng ‘Russian roulette’ kasama ang dalawang kaibigan, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Namatay noon din sanhi ng tamang tinamo sa ulo ang biktimang si Ronnie Gutierrez, 19, ng Tanigue St., Kaunlaran Village, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ang dalawang kaibigan ng biktima na nakilala lamang sa mga alyas na Bobby at Allan na sinasabing kasama ng nasawi nang maganap ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa kahabaan ng M. Naval St., ng naturang bayan.

Bago ang insidente ay nakita ang biktima na nakatambay sa pinangyarihan ng insidente kasama ang dalawa nitong kaibigan habang nilalaro ang isang kalibre .38 baril.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ng malakas na putok ng baril ang mga residente at nang kanilang siyasatin at nakita nilang nakahandusay at duguan na ang biktima.

Wala na rin ang dalawang kasama nito.

Malaki ang hinalang naglalaro ng ‘Russian roulette’ ang grupo at minalas na tinamaan si Gutierrez. Inaalam pa kung kanino ang naturang baril.

Gayunman, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

GAYUNMAN

INAALAM

ISANG

KAUNLARAN VILLAGE

MAKALIPAS

NAVAL ST.

RONNIE GUTIERREZ

ROSE TAMAYO

TANIGUE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with