^

Metro

P1 bilyon libel suit pa vs Eli Soriano

-
Tinatayang mahigit sa isang libong Muslim mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang sumugod kahapon sa Manila City Hall upang maghain ng P1 billion libel suit sa Manila Prosecutor’s Office laban kay Dating Daan leader Eli Soriano dahil sa pagtawag umano nito sa mga Muslim na mamamatay-tao sa kanyang programa sa telebisyon.

Base sa 5-pahinang complaint affidavit ng isa sa pangunahing complainant na si Hadji Bauio Limbona, kung kaharap lamang umano niya si Soriano nang tawagin nitong mamamatay-tao ang mga Muslim ay malamang na napilipit na niya ang leeg nito.

Sa reklamo ng mga Muslim, ipinahayag umano ni Soriano sa kanyang programang "Itanong Mo Kay Soriano" na mapapanood sa UNTV Channel 37 "na namumutol ng ulo ang mga Muslim kapag hindi nila ka-relihiyon. Malulupit ang mga Muslim," dahil sa pagbitay ng mga ito kay Flor Contemplacion.

Bukod dito, marami rin umanong mga pangit na salita ang sinabi ni Soriano sa kanyang programa tulad ng "Malulupit kayo, dahil ang relihiyon n’yo mali, hindi sa Diyos, maka-hayop, maka-demonyo… at mga tarantado kayo."

Bunsod nito kaya’t personal na nagtungo ang mahigit sa isang libong Muslim mula sa mga mosque compound ng Taguig, Quiapo, Baseco at San Andres, Maynila upang personal na maghain ng kaso laban kay Soriano.

Hindi na rin nakapagpigil ang mga Muslim kay Soriano matapos umano silang tawaging "mamamatay-tao, nananaga, nambabaril at nanggagranada".

Nangangamba naman si Limbona na posibleng magkaroon ng religious war sa naging pahayag ni Soriano.

Naging basehan umano ng grupo ng mga Muslim ang kanilang paghahain ng kaso kay Soriano matapos silang makakuha ng kopya ng VCD mula sa isang miyembro ng Dating Daan at kanila itong pinanood sa harap ng Manila Golden Mosque sa Quiapo, Manila. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

DATING DAAN

ELI SORIANO

FLOR CONTEMPLACION

GEMMA AMARGO-GARCIA

HADJI BAUIO LIMBONA

ITANONG MO KAY SORIANO

MUSLIM

SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with