^

Metro

60 anyos na lola tinodas ng lover na pulis?

-
Tinadtad ng saksak sa katawan at patay na nang matagpuan ang isang 60-anyos na lola sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Victoria Pangilinan, may-ari ng parking lot at ilang mga tindahan at residente ng #361 Maria Payo St., Tondo, Maynila.

Samantala, pinagrereport naman ni WPD Station 11 (Binondo) commander, Supt. Hospicio Guevarra ang ka-live-in ng biktima na si PO1 Elias Gamboa ng Juan Luna Police Community Precinct upang linawin ang kanyang pangalan matapos na akusahan ng mga anak ng biktima na siyang may pangunahing motibo sa krimen.

Base sa ulat ng WPD Homicide Section, natagpuan ng kanyang mga kaanak ang bangkay ng biktima dakong alas-8 ng gabi sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Tondo, Maynila.

Isang alyas Jupiter na boy ng isa pang pulis ang nag-ulat sa pulisya ng naturang insidente bago pa man madiskubre ang bangkay nito.

Ayon sa mga kaanak ng biktima madalas umanong takutin ng suspect na pulis si Pangilinan na gagawan ng masama tuwing walang nahuhuthot na pera sa biktima.

Nakapagtataka umano na bigla na lamang nawala si Gamboa matapos ang insidente na hinihinala nilang nagtatago na. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

DANILO GARCIA

ELIAS GAMBOA

HOMICIDE SECTION

HOSPICIO GUEVARRA

JUAN LUNA POLICE COMMUNITY PRECINCT

MARIA PAYO ST.

MAYNILA

VICTORIA PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with