Pinanindigan pa rin ng mga dumalong miyembro ng grupo na sina Pantene Padolina, Rejoice Rivera, Mikaela Ponteverde, Kat de Santos, Jeanette Joaquin at Ivory Ibanez sa harap ng MTC Branch 11 Judge Casiano Anunciacion Jr. na wala silang kasalanan sa naturang kasong isinampa ng mga operatiba ng WPD.
Samantala, pinagbabayad naman ng halagang P200,000 bawat isa sina Jeanette at Ivory dahil sa huling dumating ang dalawa sa naturang hearing.
Hindi naman nagawang makadalo ng tatlo pang miyembro ng grupo na sina Palmolive Palma, Lux Laurel at Khudeth Honasan na kasalukuyang nasa labas ng bansa kayat nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Anunciacion laban sa tatlo. Tig-200,000 rin ang inirekomendang piyansa para sa mga ito.
Sinabi naman nina Rejoice at Pantene na wala umano silang sama ng loob kay Manila 6th District Councilor Greco Belgica na siyang naging pangunahing opisyal ng lungsod na nagsulong para masampahan ng kaso ang grupo.
"Huwag naman sanang maging malupit sa amin si Councilor Belgica. Marami pa pong problema ang bansa na dapat nilang solusyunan, hindi po kami mga kriminal," pahayag pa ng dalawa.
Itinakda ang susunod na hearing sa darating na Abril 26, 2005. (Ulat ni Gemma Amargo)