Suzette Wang dapat nang kasuhan Yu couple
March 31, 2005 | 12:00am
Hinimok kahapon ng mag-asawang Roger at Jennie Yu, mga magulang ng kinidnap na 3-anyos na si Kenshi ang Department of Justice (DoJ) na sampahan na ng kaso sa korte ang dati nilang kaibigan na si Suzette Wang.
Sa siyam na pahinang joint affidavit na kanilang iniharap sa DoJ, sinabi ng mag-asawa na nabigo si Wang na direktang masagot ang inaakusa sa kanya kundi itinutuon nito ang isyu sa technical rules of evidence at ikinakatuwiran na ang mga ebidensiya laban sa kanya ay "inadmissible".
Binanggit pa ng mag-asawang Yu na maging ang mga pulis ay napatunayan ang pagkakasangkot ni Wang sa pagdukot sa kanilang anak, base na rin sa pagtatapat ng mga nadakip ding suspect na sina Albert Pagdanganan at barangay captain Octavio Garces.
Idiniin muli ng mag-asawang Yu na si Wang lamang ang tanging nakakakilala sa biktima bago ang naganap na kidnapping. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended