^

Metro

18 doktor sa Ospital ng Maynila nagsipag-resign

-
Posibleng hindi matugunan ng Ospital ng Maynila ang lahat ng mga may sakit, partikular na ang mga sanggol na bagong panganak. Ito’y matapos na magharap ng mass resignation ang may 18 residence doctor sa pagamutan dahil sa umano’y ginawang pagmumura sa kanila ng city administrator ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Base sa nakalap na ulat, ang biglaang pagre-resign ng 18 residence doctor sa nabanggit na pagamutan ay bunsod sa hindi umano nila makayanang magaspang na pag-uugali ni City Administrator Dino Nable.

Ayon sa ulat, nagpatawag ng meeting si Nable noong nakaraang linggo sa mga residence doctor sa Ospital ng Maynila subalit nag-walk out ang mga ito matapos na umano’y makarinig ng mga pagmumura at pagbibitiw ng masasakit na salita buhat sa city administrator.

"Masyadong naging arogante itong city official na ito, akalain mo ba namang sabihin na ‘I was authorized by the mayor to say all nasty things about you’, pagkatapos ay nagmumura na kaya’t nag-walk-out ang mga doktor," ayon pa sa source.

Mariin namang pinabulaanan ng staff ni Nable ang naturang akusasyon at sa halip ay sinabing hindi maaaring murahin ng kanyang amo ang mga doktor.

Iginiit naman ni Manila Mayor Lito Atienza Jr. na tanging ang dahilan ng sabay-sabay na pagbibitiw ng mga doktor ay dahil sa ayaw na umanong manungkulan ng mga ito bilang public servant at nagkaroon lamang ng ilang hindi pagkakaunawaan. Gayunman, idinagdag nito na hindi dapat mangamba ang publiko dahil sa mayroon ng kapalit ang mga ito simula sa Abril 26. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ABRIL

AYON

CITY ADMINISTRATOR DINO NABLE

GAYUNMAN

GEMMA AMARGO

IGINIIT

MANILA MAYOR LITO ATIENZA JR.

MAYNILA

OSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with