UP graduate patay sa FEU student
March 30, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang kaga-graduate pa lamang na estudyante ng University of the Philippines (UP) makaraang mabaril ng isa namang nursing student sa Far Eastern University (FEU) sa loob ng isang bar sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Quezon City Medical Center ang biktimang nakilalang si Carlos Alexi Entuna, 22, graduate ng Computer Programming at naninirahan sa UP Bliss sa Diliman ng nabanggit na lungsod.
Si Entuna ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang noo.
Samantala, pinaghahanap naman ang itinuturong suspect na si Jeoffrey Tan, ng FEU na mabilis na tumakas matapos ang ginawang pamamaril.
Napag-alaman na kasalukuyang nagdiriwang ang grupo ng biktima sa loob ng Tribu Bar sa may #75 Xavierville Avenue, Loyola Heights, Quezon City dakong alas-12:15 ng hatinggabi dahil sa kanilang pagtatapos sa pag-aaral.
Bigla na lamang umanong dumating ang grupo ng suspect. Bigla na lamang nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng bar sa hindi malamang dahilan.
Makalipas ang ilang saglit ay narinig na ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan tinamaan na ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspect na si Tan lulan ng isang Mercedez Benz na may plakang UAL-201 habang ang iba pa nitong kasamahan ay nagpanakbuhan sa ibat ibang direksyon.
Kahapon lumutang sa pulisya ang may-ari ng naturang Mercedez Benz na sinakyan ng suspect para magbigay linaw sa insidente. Sinabi nito na wala siyang kaugnayan sa suspect at nakisakay lamang ito sa kanya. Hindi rin umano niya alam na namaril ito sa loob ng bar.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon at pagtugis sa suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest