QC fire, hirap matukoy ang sunog sa Lagro

Inamin ng Quezon City Fire Department na nahihirapan silang matukoy agad ang pinagmulan ng sunog na kumitil sa buhay ng mag-asawang abogado at dalawang anak nito na naganap kamakalawa ng madaling araw sa Lagro, Quezon City.

Ayon kay Sr. Supt. Oscar Villegas, tanging susi lamang sa kanilang isinasagawang imbestigasyon ang magkapatid na Ryan at Charlotte Cadiao na sinasabing nakaligtas sa sunog.

Sinabi ni Villegas na ginagawa naman nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagsumite ng report sa DILG.

Nabatid na nawawala pa rin si Ryan na mayroon umanong diperensiya sa pag-iisip.

Matatandaan na nasunog ng buhay ang magulang nito na sina Atty. Raymond Cadiao, inang si Atty. Charito at mga kapatid na sina Charina,22 at Carmel, 21, sa Blk. 88 Lot 34 Domingo de Ramos St. Lagro, Novaliches, Q.C. (Doris Franche)

Show comments