Embahada ng Espanya tinaniman ng bomba
March 28, 2005 | 12:00am
Pinasabog ng mga kagawad ng Makati City Police ang bomba na natagpuan sa isang gusali kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.
Dakong alas-8:15 ng gabi nang matagpuan ng guwardiyang si Jaime Maganny ng Colt Security Agency ang isang kahon ng sapatos sa likod ng pinto ng Act Tower sa No.135 Sen. Gil Puyat Ave. Brgy. Bel-Air, Makati City.
Agad na tinignan ni Maganny ang kahon at laking gulat nito ng makita ang isang Improvised Explosive Device (IED) at cellphone.
Mabilis na humingi ng tulong sa pulisya si Maganny kung saan kinumpirma ito ng Explosive and Ordnance Division ng Makati Police na isa itong homemade bomb.
Bunga nito, ipinasya na lamang ng mga awtoridad na pasabugin ang bomba upang wala ng sibilyang madamay.
Ayon sa pulisya, posibleng grupo ng terorista ang may kagagawan ng pagtatanim ng bomba o grupo na nagnanais na manakot.
Sa naturang gusali matatagpuan ang Embahada ng España. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended