Sanggol, itinapon; ina nagtangkang mag-suicide
March 27, 2005 | 12:00am
Patay na ng matagpuan ang isang bagong silang na sanggol na lalaki matapos na itapon umano ng kanyang ina na nagtangka ding magpakamatay kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Naglaslas ng pulso ang suspect na kasalukuyang ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center ay nakilalang si Rean Ann Estal, 27, naninilbihan sa Blk. 6 Bliss Compound, Nueve de Pebrero, Brgy. Mauway ng nasabi ring lungsod.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Edmund Fabella, natagpuan ang bangkay ng sanggol dakong alas-7:10 ng umaga habang lulutang-lutang sa gilid ng ilog na malapit sa bahay ng suspect.
Ayon sa saksing si Romeo Dasal, 15 kapitbahay ng biktima, bibili siya ng kape nang mapansin ang tulo ng dugo sa kalsada. Sinundan niya ito at laking gulat nang tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na sanggol na nakabalot pa sa plastic bag.
Isa pang kapitbahay ang nagsabi na nakarinig siya ng malakas na iyak ng sanggol mula sa kuwarto ng suspect at makalipas ang ilang minuto ay isang kalabog naman sa bubungan ang kanyang narinig.
Kasunod nito ay nakita na lamang nilang may laslas sa pulso ang suspect. Gayunman, inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended