Hepe ng ANCAR at CIU nagkatutukan ng baril
March 24, 2005 | 12:00am
Muntik nang dumanak ang dugo sa Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) sa pagitan nina CIU chief Supt. Popoy Lipana at ANCAR chief Supt. Cesar Tanagan nang tangkain umano ng huli na kunin ang mga suspect na nahuli ng CPD-Mobile Patrol sa Teachers Village, kamakalawa ng madaling-araw sa Quezon City.
Ayon sa mga pulis ng CIU, dinala sa kanilang tanggapan ang limang carnapper na sina Ricky Boy Pagdanganan, Arthur Carlos, Arman Padilla, Antonio Garcia at Carlito Torres matapos na mahuli sa aktong tatangayin ang isang Toyota Vios dakong ala-1 ng madaling-araw sa Mahiyain St., Teachers Village.
Nabatid na una nang tinanggihan ng ANCAR ang custody ng limang karnaper subalit nang malaman na posibleng may kinalaman ito sa dating kongresista at aktor na si Dennis Roldan, kinukuha ito ng ANCAR para sa isang press conference.
Lumilitaw na nasa kustodiya at kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang mga suspect nang isang tao umano ni Tanagan ang nagtungo sa CIU upang sabihin na pinalilipat ang limang Karnaper sa ANCAR. Subalit sinabi ni SPO2 Allan dela Cruz na hindi maaaring alisin sa CIU ang lima dahil walang clearance mula kay Lipana.
Bunga nito, umakyat si Tanagan sa CIU na umanoy lasing at kinompronta si dela Cruz kasabay ng pang-iinsulto na hindi pa nito naaabot ang kanyang kasalukuyang posisyon. Sinabihan pa ni Tanagan si dela Cruz na dapat nang i-relieve ang lahat ng mga pulis sa CIU at magka-level na lamang sila ni Lipana.
Sa kabila ng mga pang-iinsulto, sinabihan ni dela Cruz si Tanagan na kausapin na lamang si Lipana tungkol sa kaso upang maiwasan ang anumang aberya.
Makalipas ang ilang oras, dumating si Lipana kung saan kinausap nito si Tanagan hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo at tutukan ng baril. Ang mga tauhan ni Tanagan ay armado ng ibat ibang kalibre ng baril. Naawat naman ang dalawang grupo ng kanilang mga superior. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am