^

Metro

Intsik sabit sa pekeng dolyar, nasakote

-
Nadakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang isang babaeng Chinese national na hinihinalang miyembro ng isang malaking sindikato ng pekeng dolyares matapos na mabisto ito ng may-ari ng isang money changer, kamakalawa ng hapon sa Ermita, Manila.

Nakilala ang nadakip na si Liang Cai Ling, 28, nanunuluyan sa Peace Hotel sa Binondo, Manila.

Sa ulat ng WPD-Station 5, nadakip ang suspect dakong alas-4 ng hapon matapos na ireklamo ni Maritess Laudin, 26, teller ng Triple M Money Changer sa may M.H. del Pilar, Ermita.

Ayon kay Laudin, nagpapalit umano si Liang ng pitong US$100 na umabot sa halagang P37,000. Nagduda agad ito nang mapansin na balisa si Liang habang hinihintay ang kanyang pera.

Sa unang tingin umano ay halos orihinal ang naturang mga dolyares kaya naibigay niya ang katumbas na halaga nito. Ngunit nang isailalim nila sa makina ay nadiskubre nila na peke ito.

Agad na humingi ng tulong sina Laudin sa pulisya kung saan nasakote ang suspect sa loob ng minamaneho nitong Mitsubishi Lancer (WCN-628). Umaabot sa 20 piraso ng mga pekeng dolyares ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Nadiskubre naman na bukod sa Triple M, nabiktima na rin ni Liang ang WF and S Money Changer sa may Padre Faura na natangayan umano ng higit sa P100,000 at ang Sheriff Money Changer na natangayan naman ng halagang P54,000 sa loob ng isang buwan.

Hinala naman ng pulisya na miyembro ng isang sindikato ng mga Chinese ang suspect na gumagawa ng mga pekeng dolyares at pera kung saan si Liang lamang ang tagapalit nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

ERMITA

LAUDIN

LIANG CAI LING

MARITESS LAUDIN

MITSUBISHI LANCER

PADRE FAURA

PEACE HOTEL

S MONEY CHANGER

SHERIFF MONEY CHANGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with