^

Metro

Sa naputol na braso ng 2-buwan na sanggol: 2 doktor kinasuhan ng NBI

-
Dalawang doktor ng Quezon City General Hospital (QCGH) ang kinasuhan kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City Prosecutors Office (QCPO) bunga ng kapabayaan ng mga ito na nagresulta sa pagkaputol ng kaliwang braso ng isang 2-buwang sanggol noong taong 2003.

Ang mga kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 2382 (Medical Act of 1959) at serious physical injury ay sina Dr. Jed Patrick Cruz ng Surgery Dept. at Dra. Irene San ng Pedi-Intensive Care Unit ng QCGH.

Batay sa reklamo ng mag-asawang Emmanuel at Floreta Decena ng 1899 Molave St. Pleasant View, Bagbagin, Caloocan City, tinanggalan ng braso ang kanilang anak matapos na ma-confine ito sa nasabing pagamutan noong Nobyembre 7, 2003. Anila, dinala nila sa QCGH ang kanilang anak dahil sa umano’y patuloy na pag-uubo.

Subalit ayon sa mga respondents, ang pasyente na 2-buwan pa lamang noon ay may pulmonary disease at blood infection kung kaya’t kinakailangang gamutin at sumailalim sa blood transfusion.

Nabatid na nahirapan ang mga doktor na hanapin ang ugat ng bata nang magsimula na ang blood transfusion dahil sa 2-buwan pa lamang ito. Bunga nito, ipinasya ng mga doktor na hiwaan ang kanang braso ng bata para maipasok ang karayon.

Subalit makalipas ang dalawang araw, hiniwaan naman ng mga manggagamot ang kaliwang braso ng sanggol para sa karagdagang dugo. Kinabukasan, naging maputla ang sanggol at nagkulay itim ang mga kuko.

Dito ay pinayuhan na sila ng mga respondent na tuluyan nang putulin ang kaliwang braso ng sanggol upang mailigtas sa tiyak na kamatayan dahil sa naimpeksyon bunga ng ginawang paghiwa.

Nagpasya naman ang mga magulang ng bata na ilipat na lamang ito sa East Avenue Medical Center na doon na pinutol ang braso ng biktima para hindi na kumalat ang impeksyon.

Nagharap ng reklamo ang mag-asawang Decena sa NBI na doon nabigo ang mga respondent na dumalo sa imbestigasyon kaya isinampa na sa korte ang kaso. (Ulat ni Doris Franche)

CALOOCAN CITY

DORIS FRANCHE

DR. JED PATRICK CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FLORETA DECENA

IRENE SAN

MEDICAL ACT

MOLAVE ST. PLEASANT VIEW

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with