^

Metro

Pedopilyang Kano arestado

-
Dinakip ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Amerikano na hinihinalang isang pedolpilya kung saan nailigtas sa kamay nito ang isang menor-de-edad na lalaki sa loob ng isang hotel sa Malate, Maynila.

Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang nadakip na si George O’Reilly, 60, turista buhat sa Georgia, USA at pansamantalang nanunuluyan sa Manor Hotel sa Jorge Bacobo St., Malate.

Sa ulat ng NBI Special Action Unit, nabatid na namonitor nila ang pambibiktima ng suspect sa mga batang lalaki sa isinagawa nilang surveillance noong nakalipas na Marso 9 kung saan naging positibo ang madalas na pagkontak nito sa mga bugaw sa Malate.

Nitong Marso 11, pinasok ng mga ahente ang Manor Hotel kung saan napansin nila ang tatlong batang lalaki na naka-uniporme pa ng paaralan na kasama ng isang hinihinalang bugaw. Pumasok ang mga ito sa kuwarto ni O’Reilly.

Dito na nakipagkoordinasyon ang mga ahente sa administrasyon ng hotel hanggang sa pasukin na ang kuwarto ng turista. Naabutan naman ang batang biktima na itinago sa pangalang Dennis na naliligo sa banyo.

Ayon kay Dennis hindi umano niya kaanu-ano ang suspect at dinala siya ng kanyang bugaw para sa serbisyo kapalit ng pera.

Sinampahan na ang suspect ng kasong paglabag sa Sec.6 Article III ng RA 7610 o Attempt to Commit Child Prostitution habang nasa kustodya naman ng DSWD ang biktimang si Dennis. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

COMMIT CHILD PROSTITUTION

DANILO GARCIA

GEORGE O

JORGE BACOBO ST.

MANOR HOTEL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NITONG MARSO

REILLY

REYNALDO WYCOCO

SPECIAL ACTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with