^

Metro

Praning nanaksak, nang-agaw ng baril at nanghostage ng 6 katao

-
Bunga ng kawalan ng trabaho, isang 31-anyos na lalaki na napraning ang dinakip ng pulisya matapos na manaksak, mang-agaw ng baril at manghostage ng anim na katao kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakakulong sa Taguig City Police ang suspect na si Nelson Talvo ng Blk. 11 Lot 3, Phase 2, Brgy. Pinagsama Village habang nasa kritikal namang kondisyon sa pagamutan ang biktimang si Melvin Betache, 22, guwardiya ng Merit Protection and Investigation Agency matapos na magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantalang hinostage naman ni Talvo ang misis nitong si Aida at bayaw na si Jeffrey, boarder at tatlong anak nito na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:20 ng gabi sa naturang pawnshop.

Agad na pinagsasaksak ni Talvo si Betache kasabay ng pang-aagaw ng shotgun nito at mabilis na bumalik sa kanyang bahay.

Tinutukan at hinostage ng suspect ang asawa, bayaw at apat pa kung saan paulit-ulit na sinasabi umano nito na sabay-sabay na silang mamatay. Isinisigaw ng suspect ang kawalan niya ng trabaho.

Matapos ang ilang minuto ay dumating ang mga pulis at nagsimulang makipag-negotiate sa suspect. Ilang oras din ang nakalipas nang makumbinsi ng mga pulis ang suspect.

Lumilitaw na nasa impluwensiya ng alak at droga ang suspect nang isagawa ang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AIDA

BATAY

LORDETH BONILLA

MELVIN BETACHE

MERIT PROTECTION AND INVESTIGATION AGENCY

NELSON TALVO

PINAGSAMA VILLAGE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TALVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with