Pondo ng BJMP dagdagan
March 20, 2005 | 12:00am
Mas makabubuti kung dadagdagan ang pondo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mas mapabuti pa ang kanilang tungkulin.
Ito naman ang nabatid mula sa ilang opisyal ng BJMP kaugnay ng pagpapatupad ng seguridad at pagbabantay sa mga preso sa ibat ibang piitan sa bansa.
Ayon sa opisyal ng BJMP, maraming kakulangan sa pasilidad at manpower ang ahensiya kung kayat nagkakaroon ng ilang hindi inaasahang insidente tulad ng jailbreak at riot. Lumilitaw na ang bawat isang jailguard ay nagbabantay ng 62 preso.
Subalit sa kabila ng kakulangan sa pondo sinabi naman ni BJMP chief Director Arturo Alit na hindi sila nagpabaya sa pagbabantay ng mga piitan na kanilang nasasakupan.
Ayon kay Alit, mahigpit na ang kanilang ipinatutupad na pagbabantay sa mga city, municipal at district jail subalit hindi maiiwasan na maganap ang hindi inaasahang mga insidente.
"May kasabihan nga tayo na, kung gusto mong gawin ang isang bagay maraming paraan, kung ayaw gawin maraming dahilan", ani Alit.
Sinabi ni Alit na hindi naman sila maaaring magpabaya dahil sa pagbabantay ng mga kulungan dahil alam nilang sila ang sisisihin ng pamahalaan at ng publiko.
Sa katunayan aniya, agad niyang pinadagdagan ang jailguard sa Metro Manila District Jail partikular sa 1st at 2nd floor nito na kinaroroonan ng mga Abu Sayyaf member matapos na makatanggap ng intel report hinggil sa pagpuga ng mga ito.
Subalit ang insidente ng pagdadala ng baril ni JO1 Rogelio dela Cruz sa loob ng selda ng ASG ay kasalukuyan pa ring iniimbestigahan. Sinasabing inagaw ng ASG ang baril ng nasabing jailguard at ipinutok na naging sanhi ng kamatayan nito.
Samantala, nagbigay na ng financial assistance ang BJMP para sa mga nasawing mga tauhan nito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended