NCRPO full alert ngayong Semana Santa
March 20, 2005 | 12:00am
Simula ngayon ay nakataas na sa full alert status ang lahat ng kapulisan sa Metro Manila bilang paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay NCRPO chief Director Avelino Razon,Jr. inatasan na niya ang lahat ng mga district director sa MM upang tiyakin ang seguridad sa mga matataong lugar tulad ng simbahan at grotto na dadagsain ng mga debotong Katoliko ngayong Mahal na Araw.
Pinapaikutan din ni Razon sa mga kapulisan ang mga bus terminal dahil marami pa ring hahabol upang makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Sa Makati City Police , hindi pinayagan na magbakasyon at mag-leave ang mga pulis upang makadagdag sa police visibility.
Samantala, tiniyak naman nina QC Mayor Feliciano Belmonte, Jr.at CPD director Chief Supt. Nicasio Radovan ang seguridad ng mga residente ngayong Semana Santa. Maglalagay din sila ng puwersa sa mga bus terminals, simbahan, malls at parks.
Bukod dito, babantayan din ang mga vital installations sa MM tulad ng Pandacan Oil Depot , LRT at US Embassy. (Ulat nina Doris Franche, Lordeth Bonilla at Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am