Ginang arestado sa 7 baril

Matapos na makumpiskahan ng pitong baril sa kanyang tinutuluyang kuwarto, isang ginang ang inaresto ng mga tauhan ng CIDG-WPD kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Supt. Nelson Yabut, ang suspect na si Gilda Toledo ng Blk.1, Lot 38 Dagat-Dagatan Navotas, Metro Manila dakong alas-4 ng hapon nang isagawa ang pagsalakay batay na rin sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Antonio Eugenio ng Manila RTC para sa Room 303 at 304 Don Lorenzo Bldg. sa 889 Paredes St. ng nasabing lungsod na sinasabing tinutuluyan din nito.

Nabatid na ang pagsalakay ay bunga ng intelligence report na ang suspect ay bumibili at nagtatago ng baril sa nabanggit na gusali.

Dahil dito, isang posuer buyer ang nagtungo kay Toledo at nagpanggap na bibili ng baril sa halagang P15,000. Matapos ay agad ding sinalakay ng mga awtoridad ang dalawang kuwarto at bumulaga sa kanila ang pitong iba’t ibang uri ng baril at mga bala. (Ulat ni Gemma Garcia)

Show comments