^

Metro

Bombero nagbalik ng milyong halaga ng alahas, pera

-
Pinatunayan ng mga tauhan ng Caloocan City Fire Department na dapat silang pagkatiwalaan matapos nilang ibalik ang milyong pisong halaga ng mga alahas at pera na kanilang nakuha sa vault na nasunog kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Dakong alas-7:45 ng umaga nang masunog ang bahay ni Rogelio Velardo sa No. 6 Binayuyu St. Amparo Village, C.C.

Agad na rumesponde ang mga bombero sa pangunguna ni Chief Insp. Agapito Nacario. Matapos ang halos dalawang oras ay saka lamang naapula ang sunog na umabot sa 1st alarm.

Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog na tinatayang tumupok sa P3.5 milyon halaga ng ari-arian.

Nagsasagawa ng clearing operation ang mga bombero nang makita nila ang isang vault na naglalaman ng cash na P50,000, US$2,000 at iba’t ibang uri ng alahas na tinatayang umaabot sa P1 milyon. Agad namang isinauli ng mga bombero ang pera at alahas kay Rufina Velarde-Santos.

Kaugnay nito, lubos na nagpasalamat sa mga tauhan ng Caloocan City Fire Department ang may-ari ng mga narekober na pera at alahas.

Matatandaan na si Chief Insp. Nacario ay ilang beses na ring napabalitang nagsauli ng pera at alahas na kanilang narekober sa mga naganap na sunog maging noong ito ay fire marshal pa lamang sa Valenzuela City. (Ulat ni Rose Tamayo)

AGAPITO NACARIO

BINAYUYU ST. AMPARO VILLAGE

CALOOCAN CITY FIRE DEPARTMENT

CHIEF INSP

DAKONG

ROGELIO VELARDO

ROSE TAMAYO

RUFINA VELARDE-SANTOS

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with