^

Metro

7 ASG suicide bombers, mambobomba sa MM

-
Ipinalabas na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Gen. Arturo Lomibao ang cartographic sketch ng lima sa pitong kinilala nitong miyembro ng Abu Sayyaf Group na naatasang magsagawa ng Holy Week bombing sa Metro Manila.

Sa biglaang press conference kahapon ng hapon, tinukoy ni Lomibao na pinamumunuan ni Hilarion del Rosario Santos Jr., alyas Ahmed Santos, lider ng Rajah Solaiman Revolutionary Movement ang grupo ng mga Abu Sayyaf bombers.

Kabilang pa sa mga mukha, larawan at cartographic sketch na iprinisinta ni Lomibao ay ang pagkakakilanlan kina Amilhamsa Ajijul alyas Alex Alvarez na suspect naman sa pambobomba sa Zamboanga City noong Oktubre 2002.

Kasama rin umano sa bandidong Abu Sayyaf na magsasagawa ng pambobomba ay si Abu Haisham na sinanay naman ng Jemaah Islamiyah sa Mt. Cararao; Abu Omar na isang Tausug; Abu Tarik na isang explosive expert ng ASG na sinanay din ng JI; Abu Zaid, isang Yakan member ng ASG na ka-grupo ni Tarik; at Abu Yasim na isang Indonesian at miyembro ng JI.

Ang nasabing samahan, paliwanag ni Lomibao ay binubuo ng mga Balik-Islam kung saan ilan sa mga ito ay ginagamit na ‘front’ ang samahan sa gawaing terorismo.

Sinabi ni Lomibao na ang mga ito ay base sa intelligence report ng pulisya na magsasagawa ng pambobomba ngayong Semana Santa, partikular na sa Quiapo church at sa Baclaran.

Sila rin ang mga kinilala ni Gappal Bannah, alyas Boy Negro, matapos na ibulgar sa isang interrogation na suspect sa Valentine’s Day bombing.

Maliban dito sa planong pambobomba sa mga mall ay may balak din umanong magsagawa ng car bombing ang grupo.

Pinawi ni Lomibao ang pangamba ng publiko na hindi dapat matakot sa pagbabanta na ito ng ASG dahil kumikilos na ang PNP para mapigilan ito ngunit hiniling pa rin niya ang ibayong alerto at pagbabantay sa paligid. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU

ABU HAISHAM

ABU OMAR

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABU TARIK

ABU YASIM

ABU ZAID

AHMED SANTOS

LOMIBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with