^

Metro

UP student patay sa holdap

-
Isang estudyante ng University of the Philippines (UP) ang nasawi makaraang saksakin sa dibdib nang protektahan nito ang kanyang kasintahan laban sa tatlong holdaper na umaagaw sa cellphone ng babae, kamakalawa ng gabi sa Quezon City sa loob mismo ng UP campus sa Diliman Quezon City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Merwin Mendoza, 3rd year BS Geological Science student ng UP.

Agad namang naaresto ang mga suspect na sina Rodolfo Balais, umano’y miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang, Jericho Conde at Mark Aspiras.

Sa ulat ng Criminal Investigation Division ng CPD, naganap ang krimen ganap na alas-9 ng gabi sa tapat ng Palma Hall sa UP Diliman, Quezon City.

Kasama umano ng biktima ang kanyang kasintahan na si Kaleyse Fabian at habang naglalakad sa tapat ng Palma Hall ay bigla na lamang silang hinarang ng tatlong suspect. Pilit na inaagaw ang cellular phone ng babae subalit nanlaban ang biktima dahilan upang saksakin ito sa dibdib ng isa sa mga suspect.

Nang maagaw ang cellphone, agad na tumakas ang mga suspect, samantalang mabilis namang isinugod ang biktima sa UP Infirmary Building subalit hindi na rin nailigtas ang buhay nito.

Nahuli naman sa isinagawang follow-up operation ang mga suspect na sina Balais at Conde at narekober sa mga ito ang cellphone ng dalaga at cash na P490.00.

Matapos ito, naaresto rin si Aspiras makaraang ikanta nina Balais at Conde na umano’y siyang sumaksak sa biktima.

Ang mga akusado ay sinampahan na ng kasong robbery with homicide sa QC Prosecutor’s Office. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DILIMAN QUEZON CITY

GEOLOGICAL SCIENCE

INFIRMARY BUILDING

JERICHO CONDE

KALEYSE FABIAN

MARK ASPIRAS

PALMA HALL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with