Obrero tinodas sa tupadahan
March 17, 2005 | 12:00am
Pinagtulungang patayin ng magkapatid ang isang obrero makaraang magkainitan sa isang tupadahan, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Namatay sa pagamutan sanhi ng tinamong isang tama ng sumpak sa katawan at isang saksak sa likuran ang biktimang nakilalang si Evaristo Lusaura, ng Agora Complex Brgy. Sto. Niño ng nasabing lungsod.
Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspect na sina July Ballado at kapatid nitong si Junior, kapitbahay ng biktima na siyang responsable sa pagpatay.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Orlando Salen, naganap ang insidente dakong alas-5:15 ng hapon sa isang tupadahan sa bakanteng lote sa Agora Complex ng nasabing barangay.
Nabatid na naglaban ang mga manok ng biktima at magkapatid na suspect subalit natalo ang una na ikinapikon nito. Nauwi ang sabong sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspect na si July at binaril ang biktima sa tiyan.
Hindi pa nakuntento at sinaksak pa ito sa likod ni Junior bago mabilis na nagsitakas.
Mabilis na isinugod ang biktima sa Amang Rodriguez Medical Center subalit namatay din makalipas ang ilang oras. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended