Baby patay sa sunog

Isang tatlong buwang sanggol na babae ang iniulat na nasawi, habang umaabot naman sa dalawang milyon ang halaga ng ari-ariang naabo sa naganap na sunog, kahapon sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawing baby na si Norona Calaw, anak ni Casim Calaw ng Pinaglabanan, Brgy. Baclaran, Parañaque City,

Hindi na nagawang mailigtas ang naturang sanggol makaraang ma-suffocate ito sa loob ng kanilang bahay habang nagaganap ang sunog.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-10:24 ng umaga sa Pinaglabanan St., Brgy. Baclaran ng nabanggit na lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa 21 kabahayan. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng naganap na sunog. (Uat ni Lordeth Bonilla)

Show comments