Bomb threat sa eskwelahan sa Taguig
March 16, 2005 | 12:00am
Pansamantalang sinuspinde ang klase matapos makatanggap ng bomb threat ang isang paaralan sa Taguig, ilang oras matapos i-assault ng puwersa ng pulisya ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na kumubkob sa Bicutan jail, kahapon.
Sa pagitan ng alas-10 at alas-11 ng tanghali nang makatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Taguig Police na may bomba umano na itinanim sa loob ng Signal Village Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Signal Village, Taguig.
Mabilis na ginalugad ng mga kagawad ng SWAT ang lugar, subalit walang nakitang bomba.
Gayunman, tuluyan na ring sinuspinde ang klase dahil sa nahintakutang mga bata at kanilang mga magulang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am