^

Metro

Patay na-cremate sa sunog

-
Tuluyan nang na-cremate ang isang pinaglalamayang bangkay makaraang sumiklab ang isang sunog dahil lamang sa natumbang kandilang ginamit sa shabu session ng mga adik sa Navotas, kahapon ng madaling araw.

Sa nakalap na impormasyon kay Sr. Inspector Edgardo Antonio, Navotas Fire Marshall na dakong alas-12:12 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Rolando dela Cruz na matatagpuan sa Apugan corner V. Cruz Sts. sa Barangay Tangos ng nasabing bayan.

Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa may 400 kabahayan. Hindi naman nagawa pang mailikas ng kaanak ng pinaglalamayang si Mabelito Borlongan ang kabaong nito kung kaya tuluyan na itong naabo.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog na naapula dakong alas-6:46 ng umaga.

Tinataya ring aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tahanan at aabot sa P15 milyon ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Sa paunang imbestigasyon ng mga arson investigator, lumalabas na isang grupo ng kabataan ang unang nakitang tumitira ng shabu malapit sa pinagmulan ng apoy.

Hinihinalang ang tumumbang kandilang ginagamit sa pagsa-shabu ang pinagmulan ng sunog.

Hinahanting naman ng pulisya ang mga kabataang sangkot sa pagtira ng shabu na pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Rose Tamayo)

APUGAN

BARANGAY TANGOS

CRUZ

CRUZ STS

HINAHANTING

MABELITO BORLONGAN

NAVOTAS FIRE MARSHALL

ROSE TAMAYO

SR. INSPECTOR EDGARDO ANTONIO

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with