Sa walong pahinang desisyon ni Judge Maria Nena Santos ng Valenzuela City RTC Branch 171, ang akusadong si Edgar Esmolada ay napatunayang nanggahasa sa biktimang itinago sa pangalang Jane noong Setyembre 7, 1999 na noon ay 6-anyos pa lamang.
Pinagbabayad din ng korte ang akusado ng halagang P75,000 bilang danyos sa kanyang biktima.
Batay sa rekord ng korte, dakong alas-2 ng hapon noong Setyembre 7, 1999 nang halayin ng akusado ang biktima sa loob ng tahanan nito sa Bonifacio St., Libis, Canumay ng nasabing lungsod.
Ayon sa pahayag ng biktima sa kanyang ina, kasalukuyan siyang naglalaro kasama ang ilang bata nang yayain siya ng suspect sa bahay nito. Pagpasok pa lamang sa bahay ay hinila na umano siya ni Esmolada sa loob ng comfort room. Doon umano ay hinubaran siya ng akusado at saka inihiga at ginahasa.
Tinakot pa ng akusado ang paslit na huwag magsusumbong.
Kinatigan ng korte sa isinagawang paglilitis ang ebidensiyang inihain laban dito bukod pa sa testimonya ng medico legal na sumuri sa bata. (Ulat ni Rose Tamayo)