Maritime industry nanganganib na lumubog
March 14, 2005 | 12:00am
Nangangamba ang Maritime School sa Pilipinas na tuluyang bumagsak ang Maritime industry hanggat hindi nalilinis ng pamahalaan ang pagkalat ng negatibong impormasyon laban sa mga training schools sa bansa.
Itoy bunga na rin ng pagpapalabas ng maling impormasyon ng isang nagpakilalang Bjorn Ugsted, umanoy secretary general ng European Unions Association of Shipping, Owners, Operators and Managers.
Ayon sa ilang training school,paninira ang ipinalabas na ulat ni Ugsted na walang kakayahang magserbisyo bilang mga seaman sa barko ng Norwegian at sa mga miyembro ng European Unions ang mga nagtapos sa mga training school sa bansa.
Sa kabila nito, naniniwala ang mga training school na black propaganda lamang ang kumalat na impormasyon dahil walang sumasagot sa tanggapan nito nang tangkaing kumpirmahin ang ulat.
Kasabay nito, itinanggi naman ni Trine Hagen, Maritime Affairs Officer ng Norwegian Maritime na may kilala silang Bjorn Ugsted.
Hihilingin ng grupo sa National Bureau Investigation na ipasuri ang katotohanan ng nasabing impormasyon. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended