^

Metro

‘No segregation, no collection’ng basura sa Pasig

-
Mahigpit na ipinatutupad ng pamunuan ng lungsod ng Pasig ang polisiya na ‘no segregation, no collection’ ng basura upang matiyak ang maayos na koleksiyon nito.

Sa kautusang ipinalabas ng pamahalaang lungsod ng Pasig, kinakailangan na magkahiwalay ang basurang nabubulok at hindi nabubulok sa tuwing oras ng hakot ng basura.

Ayon kay Pasig Livelihood Foundation Inc. chairman Maribel Eusebio, bukod sa nadidisiplina ang mga taga Pasig, maaari pang mapagkakitaan ang mga hindi nabubulok na basura.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 500 kababaihang miyembro ang PLFI na matiyagang nagsasanay sa paggawa ng iba’t ibang uri ng proyektong galing sa mga hindi nabubulok na basura at kayang kumita ng P1 milyon dahil naipapadala pa ang mga produkto sa ibang bansa.

Idinagdag pa ni Eusebio na balak din niyang palawigin ang nasabing proyekto sa may 30 barangay na nasasakupan ng lungsod upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga ginang na nasa kani-kanilang mga bahay. (Edwin Balasa)

AYON

BASURA

EDWIN BALASA

EUSEBIO

IDINAGDAG

MAHIGPIT

MARIBEL EUSEBIO

PASIG

PASIG LIVELIHOOD FOUNDATION INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with