Acct. manager, sugatan sa bigong holdap
March 14, 2005 | 12:00am
Panghoholdap ang isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya matapos na masugatan ang isang account manager na pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Ma. Camille Marino, 35, ng 221 Ibanes St. San Juan, Metro Manila matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan.
Samantalang blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect na armado ng ibat ibang kalibre ng baril at mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaril.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Carmelito Valiente ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa Magallanes flyover habang minamaneho nito ang kanyang kotse na Honda City na may plakang XMK-595 sakay ang lima pang kaibigan nang biglang harangin ng isang kulay rusty red na Toyota Camri na walang plate number at sakay ang ilang armadong kalalakihan.
Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at kinabig nito ang sasakyan upang maiwasan ang mga suspect at mabilis na pinatakbo ang kanyang kotse.
Subalit hinabol ito ng mga suspect kung saan isa sa mga ito ang bumaba na may dalang baril at pinaputukan ang biktima.
May hinala ang pulisya na holdap ang motibo ng mga suspect dahil ang biktima at mga kaibigan nito ay galing sa Casino Filipino. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended