Motor vs dumptruck:1 dedo, 2 kritikal
March 14, 2005 | 12:00am
Isang estudyante ang namatay habang nasa malubhang kalagayan ang dalawang iba pa matapos na salpukin ng isang dumptruck ang kanilang sinasakyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Sabog ang utak at nagkabali-bali ang buto ng biktimang si Rennel Franco, 18, ng 93-D Katipunan St. Brgy. Commonwealth ng nasabi ding lungsod.
Samantalang ginagamot pa rin sa East Avenue Medical Center (EAMC) sina Arcy Figueroa at Wilfredo Habulan kapwa rin estudyante at mga residente din ng nasabing lugar.
Kusang loob namang sumuko ang driver ng dumptruck na si Allan Cruz, 31, ng 320 Kernel St. San Rafael, Montalban,Rizal.
Batay sa imbestigasyon ni Chief Insp. John Guanzon, hepe ng CPD-Traffic Sector 5, naganap ang aksidente dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng IBP Road sa Batasan Hills, Q.C.
Nabatid na minamaneho ni Franco ang kanyang motorsiklo habang angkas ang dalawang kaibigan nang biglang banggain ng dumptruck na may plakang TLH-933 na minamaneho ni Cruz.
Tumilapon ang mga biktima ilang metro ang layo mula sa pinagbanggaan nito.
Kasalukuyan namang nakakulong si Cruz habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries na isasampa laban sa kanya. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended